Thursday, December 16, 2010

Happy Birthday (Isang Pasilip)


Maraming, maraming salamat sa lahat ng readers and followers ng story kong “Si RJ at Ako.” Maraming salamat sa mainit nyong pagtanggap at pagsuporta sa aking kauna-unahang kwento.

Sa lahat ng mga kaibigan ko, maraming salamat din at sa mga naging kaibigan ko rin dahil sa story nay un, maraming salamat din.

Sa nalalapit na pagtatapos ng “Si RJ at Ako,” sana’y patuloy pa rin ang pagsuporta nyo hanggang sa huling kabanata ng kwentong ito. At dahil dito, nais kong ipasilip sa inyo ang susunod kong kwento.

“Happy Birthday!” yan ang pangalawa kong kwento. Isang kwento binuo ko base sa mga totoong pangyayaring hango sa buhay ko. Sana ay suportahan nyo rin ito tulad ng pagsuporta nyo sa “Si RJ at Ako.”

Maraming, maraming salamat po!


PAK!

Hindi ko na anapigilan ang sarili ko. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko. Tumama yun sa kaliwang pisngi ni Jef.

Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha habang hawak ang tinamaang bahagi.

Hindi naman akong bayolenteng atao pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na anpigilan ang sarili ko. Sawa na akong manahimik na lamang at kimkimin ang nararamdaman ko. Sawa na akong sarilinin ang sama ng loob ko tuwing may gagawin syang kalokohan.

Tama lang yun, sa loob-loob ko. Baka nga kung nagkataong basagulero ako ay hindi lang yun ang nagawa ko.

Nakita ko ang paglapit sa kanya ni Aris. Halata rin ang pagkabigla sa ginawa ko. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Hindi ko napigilang ibaling kay Ari sang galit ko.

Ikaw? Anu pang ginagawa mo dito,ha?gusto mo bang pati ikaw ay makatikim sa akin?, bulyaw k okay Aris.

Tahimik lang sya.

Ang kapal din talaga ng mukha mo! May ginawa ba akong masama sa’yo? Ano? Sumagot ka! Itinuring kitang kaibigan pero ahas ka! Makati ka! Makati ka pa sa higad! Wala na bang ibang gustong pumatol sa’yo kaya pati boyfriend na ng iba ay pinatos mo? Ibang klase ka talaga!

Bigla akong hinawakan ni Jef sa balikat.

Tama na yan, pigil nya sa akin.

Anong tama na? tumahimik ka! At huwag mo akong mahawak-hawakan. Nakakadiri ka!

Please naman, making ka muna. Magpapaliwanag ako.

Shut up! Manahimik ka! Making? Gusto mo bang pag-untugin ko kayong dalawa, ha!?

Ayoko nang makipag-usap pa kaya dumiretso na lang ako sa kotse. Papasok pa lang ako ay pinigilan na ako agad ni Jef.

Please naman, pakiusap nya.

Nagbingi-bingihan na lang ako.

Tumabi ka dyan!, sabay tulak sa kanya. Magsama kayong malilibog!

Sumakay na ako sa kotse pero magmamadali syang pumunta sa kabilang side ng kotse at akmang sasakay din. Nagmamadali kong ini-lock ang pinto.

Lokong to at sasakay pa talaga, sa isip-isip ko.

Nang hindi sya makasakay ay pumunta sya sa harap ng kotse at hinarang ang sarili upang hindi ako makaandar.

Hoy! Tumabi ka dyan kung hindi ay sasagasaan talaga kita! Tabi dyan, malibog!, sabay start ko ng makina.

Natakot naman sya sa banta ko at tumabi naman pero sinusubukan pa ring makasakay. Hindi ko na sya pinansin pa. humahabol pa rin sya nang makaandar na ako.

Mukha mo!, sa loob-loob ko.

At pinaharurot ko na ang kotse paalis sa lugar nay un.

Si RJ at Ako part 6

Past 12 noon na na makarating ako sa school. Dalawa lang ang klase sa hapon na yun, 1 to 4pm. Maya-maya ay may nag-text. Si RJ.

RJ: san kna?

Red: skul n. kkdting q lng

RJ: wat tym lbas mo?

Red: 4 y?

RJ: cge, sunduin kta

Red: cge po.. a8 nlng kta mya

RJ: opo. miss u! mwah!

Red: miss you too! Mwah!

Yan lang at excited na akong matapos ang klase ko para makita ko na sya agad. Ang kati ko talaga. Hehehe! Ano naman ngayon? Excited talaga ako eh. Fisrt boyfriend ko kaya.


Nang matapos ang klase ko ay nagmamadali na akong lumabas ng school. Hindi nga ako nagkamali. Andun na sya at nakatayo sa waiting shed sa labas ng gate. Hindi pa man ako nakakalabas ay nakita na nya ako. Ngumiti agad at mukhang excited ang mokong. Napangiti na rin ako.

Wag ka ngang ngingiti ng ganyan, sabi ko sa kanya.

Bakit naman?, tanong nya.

Nai-inlove ako lalo sa’yo eh.

Yun lang at bigla syang natawa ng malakas.

Ganun ba? Eh di ngingiti na lang ako lagi para mas lalo kang ma-inlove sa akin, sabi nya habang tatawa-tawa pa rin.

Ewan ko sa’yo, sabi ko.

Nakakagigil ka talaga. Halika nga, sabay akbay nya sa akin. Wala ba akong kiss?

Ha? Maya na, hindi pwede dito, sabi ko naman.

Nakuntento na lang sya na guluhin ang buhok ko at tumawa.

San tayo?, tanong ko.

Hmm… Intra, gusto mo?

Sige, okay lang.

Malapit lang naman ang Itra kaya naglakad na lang uli kami. At syempre, all the way, nakaakbay pa rin sya sa akin.

Pagdating naming ng Itra ay kumain muna kami. Pagkatapos ay pumunta sa isang maliit na open bar dun na may acoustic singer. Syempre ang romantic ng ambiance. May ilan-ilan lang na mga tao na andun at may kumakanta pa habang naggigitara.

Ang sweet naman, sa isip-isip ko. Feeling ko nga any moment biglang kakanta yung singer ng love song sabay luluhod sa harap ko si RJ at magpo-propose ng kasal. Hehehe! Syempre hindi naman nangyari yun. Ambisyosa lang ako. Pero yung susunod na mangyayari ay kasing sweet din naman ng naisip ko.

Hon, teka lang ha, paalam nya.

Tumayo sya at lumapit dun sa singer. Nakita ko na may inabot syang maliit na papel. Pagkatapos ay bumalik na sya sa tabi ko.

Ano yun?, tanong ko. Kinakabahan ako pero excited din.

Sandal lang ay nagsalita yung singer.

This next song is requested by Mr. RJ for Red. Message: Hon, I know you love this song. I love you!, sabi ng singer sabay turo sa direksyon naming ni RJ.

Naglingunan ang mga tao. Sobrang hiya ko ng mga oras na yun at ramdam kong pinamumulahan na ako ng mukha. Nagulat naman ako kay RJ nang bigla nyang itaas ang kamay nya. Parang ipinaaalam pa nya sa lahat na kami nga ang binanggit n ginger. Nakita ko ang saya sa mukha nya at mukhang proud na proud pa.

Hindi ko naman inaasahan ang pagpalakpak ng mga tao kaya mas lalo akong namula.

At nagsimula nang kumanta yung singer.

I swear by the moon and the stars in the sky
and I swear like the shadow that's by your side

I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my part
Cause I stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart

And I swear by the moon
And the stars in the sky I'll be there
I swear like the shadow that's by your side I'll be there
For better or worse
Till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear

I'll give you every thing I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the wall
And when (and when) just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
Cause as the time turns the page
My love won't age at all

And I swear (I swear) by the moon
And the stars in the sky I'll be there (I'll be there)
I swear (and I swear) like the shadow that's by your side
I'll be there (I'll be there)

For better or worse
Till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear

And I swear (I swear) by the moon
And the stars in the sky I'll be there (I'll be there)
I swear (and I swear) like the shadow that's by your side
I'll be there (I'll be there)

For better or worse (better or worse)
Till death do us part I'll love you
With every single beat of my heart
I swear I swear I swear

Parang kiniliti ang puso ko nangb marinig ko ang kantang yun. Kahit pa siguro napaka-90’s ng kntang yun at ng mga boy band, ang sarap pa rin marinig ng “I Swear.” Acoustic version pa kaya mas lalong nakakakilig. Sino ba naman kasi ang hindi nakakaalam ng kantang yun? Sinong hindi sumasabay sa pagkanta sa tuwing patutugtugin yun sa radio dati? Lahat yata ng kabataan nun ay kinilig at nangarap na sana’y may magsabi sa kanila ng ganun. At syempre isa na ako dun.

Nang matapos ang kanta ay hinawakan ni RJ ang kamay ko. Tumungin sya ng seryoso sa akin.

Mahal kita, Red.

Ang sarap pakinggan ng mga salitang yun. Parang nage-echo pa nga.

Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko? Kung panaginip lang ito ay ayoko nang magising pa. Pero totoo ito.

Mahal din kita, RJ.

Yun lang ang t6anging nasabi ko. Muling naglapat an gaming mga labi. Walang pakialam kung nasaan kami o kung may Makita man kami ng mga tao sa paligid. Amin lang ang mundo ng mga sandaling yun. At walang ibang tamang gawin upang maipakita namin an gaming nararamdaman kundi sa isang halik.

Cloud nine pa rin ang feeling ko ng mga sandaling yun nang magpalakpakan muli ang mga tao sa paligid naming. Para akong nahimasmasan nang makita kong kami pala ang pinapalakpakan ng mga tao at lahat sila ay nakatingin sa amin.

Muli na naman akong namula. Pero sa pagkakataong yun ay wala na akong hiyang nadarama. Sabi ko sa sarili ko, mahal ko si RJ at alam kong mahal din nya ako. Wala akong dapat ikahiya. Marahil sa paningin ng iba ay mali o abnormal ang ginagawa naming pero ano bangb pakialam nila. Pakialam ko sa sasabihin at iniisip nila. Ang tanging mahalaga ay ang iniisip at sasabihin ko at ni RJ.

Nagtinginan lang kami ni RJ at nagtawanan na lang.

Ang sarap ng ganun. Hiling ko’y sana’y tuloy-tuloy na ito at wala nang katapusan.

Mas naging kapana-panabik ang mga sumunod na mga araw. Ipinakilala nya ako sa mga kaibigan at mga barkada nya. Ganun din naman ako, ipinakilala ko sya sa mga kaibigan at mga kaklase ko. Ramdam ko talaga ang pagiging proud ni RJ sa akin at sa relasyon namin.

Araw-araw ay sinusundo nya ako sa school at hinahatid sa bahay. Sa lahat yata ng lakad nya ay sinasama nya ako. Minsan nga ay nahihiya ako sa mga kaibigan nya pero dahil kasama ko sya ay nawawala lahat ng iniisip ko.

Nung minsan ay nagkayayaan ang mga barkada ko sa bahay at nag-inuman kami. Kasama nun si Julius at iba ko pang mga kababata. At syempre ay kasama rin si RJ.

Maayos naman nang naging pakikisama ng mga kaibigan k okay RJ. Minsan na rin naman nila itong nakasama ngunit ng malaman nila ang tungkol sa relasyon naming ay medyo nailing sila.

Una ay dahil sa puro kami lalaki sa barkada. Lahat sila ay mga straight at ako lang ang naiba. Pangalawa ay dahil nga ako ang bunso sa kanila at hindi nila inaasahang papasok ako sa ganung klase ng relasyon.

Hindi naman nagtagal ay natanggap na rin nila ito. Wala akong narinig na pangungutya mula sa kanila. Nakakatawa pa dahil hindi nagtagal ay nagawa na naming magbiruan tungkol dito. Okay lang naman yun sa akin. Alam ko naman mahal ako ng barkada ko.

Nang medyo tinamaan na kami ng alak ay nagsalita si Julius.

Insan, naka-score ka ba?, tanong nya kay RJ.

Nagulat kami pareho ni RJ sa tanong ni Julius. Alam naman namin kung anong tinutukoy nya.

Ahh…ehh…, sagot ni RJ.

Wag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo? Hahaha! Ang hina mo pala, pang-aasar ni Julius sa pinsan at tawa pa ng tawa.

Ay totoo ay wala pa ngang nangyayari sa amin ni RJ. Hindi ko naman iniisip ang bagay nay un. Ang mahalaga ay Masaya kami. Darating din yun sa tamang panahon.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang mag-first monthsary nap ala kami.

Nagkataon namang long weekend ang monthsary naming kaya nag-aya si RJ kung gusto kong sumama pumunta at bumisita sa bahay nila sa San Rafael, Bulacan. Pumayag naman ako dahil excited din naman akong makarating sa lugar nila.

Hindi ko inaasahang ang araw palang yun ay isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa pagsasama naming. Sa araw nay un magaganap ang pag-iisa, hindi lamang n gaming mga puso kung hindi pati na n gaming mga katawan.

Itutuloy…

Tuesday, December 14, 2010

Si RJ at Ako part 5


Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo. Napakabilis ng mga pangyayari. Nung isang lingo lang, nakasabay ko sya sa LRT, ngayon nalaman kong sya pala si RJ at nagtapat ng kanyang pag-ibig. Hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nasa ulap at ayoko nang gumising pa.

Maiinggit si Rapunzel sa haba ng hair ko. Sabi nga ni Lorenso, palong-palo! Hahaha!

Para pa rin akong nangangarap nang bigla syang nagsalita.

Hindi ka pa ba nagugutom?, tanong nya.

Matagal-tagal na rin kami sa ganung posisyon. Nakaupo pa rin sa wall sa Intra habang nakasandal ako sa dibdib nya at nakayakap naman sya sa akin. Kahit hindi kami nag-uusap, kahit walang salitang lumalabas mula sa aming mga bibig ay puso naman naming ang syang nag-uusap.

Medyo gutom na nga ako, sagot ko.

Tara, akin muna tayo.

Kumain kami sa parang foodcourt ng Intra. Dati ay may ganun pa sa Intra pero parang wala na yata ngayon. Kahit maraming tao nun ay parang sarili lang naming ang mindo. Puno ng saya ang aming mga kwentuhan. Puno ng kaligayahan ang bawat kwento at alaala. Sa bawat ngiti, sa bawat halakhak, sa bawat kilig, isa lang ang alam ko at nararamdaman ko… Mahal ko ang taong na sa harapan ko ngayon.

Nasa harapan na kami nun n gaming bahay. Niyaya ko syang puamsok muna. Naglumilit kasi syang ihatid pa ako kahit sabi ko’y huwag na.

Hindi na. Sa sunod na lng, sabi nya.

Ikaw ang bahala. Text mo na lang ako pag nakauwi ka na ha? Ingat ka.

Oo. Pahinga ka na rin.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang pigilan nya ako. Hinawakan nya ang kamay ko.

Sandali lang, sabi nya.

Bakit?

Wala man lang ba akong goodnight kiss?, at ngingiti-ngiti pa sya na parang nanunukso.

Dito? Ngayon na?, tanong ko.

Oo. Ayaw mo ba?

Gusto…kaya lang baka may makakita sa atin eh…

Wala naming tao ah, habang lumilingon-lingon pa.

Ah..eh…

Wala na akong nagawa nang bigla nyang kinabig ang kamay ko papalapit sa kanya. Isang matamis na halik ang muli nyang ibinigay sa akin. Kahit sandal lang yun ay damang-dama ko ang init at tamis nun.

Bigla syang natawa.

Bakit?, tanong ko.

Wala…wala. Para ka na naming natulala eh, at tuloy pa rin sa pagtawa.

Natawa na lang din ako.
Sige na, pumasok ka na.

Hindi ako halos makatulog ng gabing yun. Naiisip ko pa rin ang mga nangyari. Sadya ngang mapaglaro ang tadhana. Minsan hindi mo alam kung anong mawawala at dadating sa buhay mo. Wala pang isang taon mula ng isang pangyayari sa buhay ko ang nagdulot sa akin ng sobrang kalungkutan. Pero heto’t isang biyaya ang dumating sa buhay ko. Isang biyayang hindi ko inaasahan. Napakalaki ng pasasalamat ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kahit wala akong klase sa umaga, pakiramdam ko ay punong-puno ako ng sigla sa araw nay un.

Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Si Julius pala ang nag-text.

Julius: san k?

Red: d2 s hauz. Y?

Julius: punta aq jn

Ilang minute lang ay dumating na sa bahay si Julius.

Kayo na ba ni RJ, bungad nyang tanong.

Nagulat ako sa tinanong nya. Panu kaya nalaman ng lokong to ang tungkol sa amin ni RJ?

Pano mo nalaman?, tanong ko.

Nakita ko si RJ kagabi. Nagulat nga ako dahil alam kong hindi naman sya galing sa bahay kaya tinanong ko sya at kinwento nya ang tungkol sa inyo, paliwanag nya.

Parang wala akong alam na isasagot.

So, kayo na ba talaga?, tanong uli nya.

Ah..ehh… Oo., sagot ko.

Hay naku, sabi na nga ba eh. Expected ko nay an.

Ha? Panong expected?

Matagal ka na kasing gusto nun. Wag ka sanang magagalit pero nung una ayoko sana maging kayo.

Bakit naman?, naguguluhan kong tanong.

Naalala mo ba nung nagbakasyon sya dito dati? Gusto ka na nya nun pero pinigilan ko sya. Yun din ang dahilan kung bakit hindi na uli sya nagbakasyon dito. Ikaw lang naman ang inaalala ko nun kaya wag ka sanang magagalit. Napakabata mo pa kasi nun para sa ganung mga bagay kaya pinigilan ko sya, paliwanag nya.

Nabigla ako sa sinabi nyang yun. Pero syempre kaibigan ko sya at alam kong ako lang din naman ang inaalala nya.

Okay lang yun, Juls. Naiintindihan ko naman eh. Pero hindi na ako bata ngayon.

Alam ko yun. Masaya ka ba?

Oo naman no. Masaya talaga ako ngayon, kung alam mo lang.

Hindi lang Masaya nag haba pa ng hair ko. Hehehe!

Nung isang araw nga, nagpunta sya sa bahay. Hinahanap ka. Hindi ko alam kung bakit pero ang sinabi ko lumipat na kayo. Sorry ha? Hehehe

Adik ka! Bat mo naman sinabing lumipat na kami? Adik ka talaga!

Wala lang. hehehe! Kahit hindi kayo nagkita nun at pinigilan ko kayo dati, wala pa ring nangyari. Nagkatuluyan pa rin kayo. Destiny siguro talaga kayo.

Hindi ako naniniwala dati sa destiny, pero dahil sa sinabi nyang yun ay parang gusto ko na ngang maniwala. Kasi naman, dati pa pala yung nararamdaman para sa akin ni RJ kaya lang naudlot. Muli kaming nagkita sa LRT ngunit dahil na rin sa kalokohan ko, naudlot na naman. At muli ay nagkita kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi ko ma-explain pero kung totoo man ang destiny eto nga yun. Maniwala man ako o hindi, isa lang ang alam kong totoo. Mahal ko si RJ at sa pagkakataong ito, hindi ko na papalampasin pang muli.

itutuloy...

Monday, December 13, 2010

Si RJ at Ako part 4


Ikaw nga!

Hindi ko na napigilan pa ng sarili ko. Niyakap ko sya ng amahigpit. Halata naman sa mga mata nya ang saya dahil naalala ko na sya. Ewan ba pero nagbalik lahat sa isip ko ang panahong magkasama pa kami. Sandali nga lang yun pero sobrang saya ko nun.
Hahaha! Kuya, hindi kita agad nakilala, sabi ko sa kanya na punong puno ng saya.

Bakit naman?, tanong nya.

Eh kasi ang gwapo mo na ngayon. Hehehe!

Ikaw talaga! Bobolahin mo pa ba ako?

Pwera biro, kuya.

Halika nga dito, sabay yakap uli sa akin ng mahigpit. Kala ko hindi mo na ako makikilala eh.

Pwede bay un?, sabi ko naman.

Sobrang saya ko. Parang biglang dumating yung isang bagay na ang tagal-tagal ko ng hinihintay. Dahil na rin sa sobra kasabikan, wala na akong pakialam kung may makaita man sa eksena naming yun. Hindi na ako bumitaw pa mula sa pagkakayap ko sa kanya. Ganun din naman sya.

Teka lang, sabi ko.

Ano yun?, tanong nya.

Nagtatampo pala ako sa’yo.

Bakit naman?

Eh kasi dib a nag-pronise ka nun na bibisita uli pero hindi na kita uli nakita. Hmpf!

Ah, yun ba? Sorry na. hindi ko naman sinasadya yun. Sobra kasing naging busy sa school at ang hirap makahanap ng time para makabagbaksayon. Nagtrabaho rin ako ng part-time nung mga nakaraang bakasyon.

Ganun ba? Sige na nga…

Wag ka ng magtampo. Promise babawi naman ako sa’yo eh.

Talaga lang ha? Hehehe!, at syepmre umandar na naman ang kalandian ko sa utak ko. Parang may iba akong naisip sa sinabi nyang yun. Hehehe! Pero na-touch naman ako. Feeling ko nga nun, ang ganda-ganda ko. Ahahaha!

May sasabihin pala ako, sabi nya.

Ano yun, kuya?

Pero bago yun, pwede bang wag mo na akong tawaging kuya?

Eh ano naman ang itatawag ko sa’yo?

Eh di yung pangalan ko. RJ.

Parang nakakahiya naman. Pero sige na nga. Ano na yung sasabihin mo?

Ilang taon ka na nga pala?

16 na ako. Bakit?

Ahh…wala naman.

Sige na, sabihin mo na yung sasabihin mo.

Ahh…na-miss mo ba ako?

Oo naman syempre.

Nun ay bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Para naman akong nabigla sa ginawa niyang yun. Para kasing napakaseryoso ng sasabihin nya. Kinabahan tuloy akong bigla.

Ano ba? Sabihin mo na kasi eh, sa isip-isip ko.

Alam ko hindi ka na bata kaya naman siguro ay maiintindhan mo na ang sasabihin ko, panimula nya.

Parang mas lalong lumakas ang kaba nun. Ewan parang gusto kong tumambling sa kaba.

Gusto mo bang maging tayo?, tanong nya.

Para akong nabingi sa narinig ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinatanong nya kung gusto kong maging kami? As in mag-jowa? Mag-BF? As in gusto nya bang makipagrelasyon sa akin?

Gustuhin ko mang magsalita ay parang may bara sa lalamunan ko. Walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Alam kong nabigla ka sa sinabi ko pero gusto kong malaman mo na matagal na akong may gusto sa’yo. Nung una palang tayong magkilala ay nagustuhan na agad kita. Kaya lang ay napakabata mo pa nun at wala pang muwang sa mga ganitong bagay, ang paliwanag nya.

Hihimatayin ata ako! Hahaha! Hindi ako makapaniwalang eto, ang crush nun pa ay biglang magtatapat sa akin ng kanyang pag-ibig. Parang hindi totoo. Parang panaginip lang ang lahat.

Sa kabila ng lahat ng mga iniisip ko, alam ko na ang sagot sa tanong nya. OO! Oo, gusto ko. Gustong gusto ko! Yan ang sigaw ng isip ko.

Bakit hindi ka na kumibo?, tanong nya.

Para naman akong nahimasmasan. Ang haba kasi ng hair ko nun kaya tulala ako. Hehehe!

Nabigla ka ba masyado? Sorry ha, kung nabigla kita. Ayoko na kasing palampasin pa ang pagkakataon.

RJ…, panimula ko. Kasi ano…

Anong kasi ano?

Totoo ba ito?, tanong kong nagdududa pa.

Na ikaw tapos ako?

Hindi nya sinagot ng salita ng tanong ko. Kung hindi ay hinawakan nya uli ang kamay at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpadala sa nararamdaman ko.

Iyon ang unang beses na dumampi sa labi ko ang mga labi nya. Nakakapaso. Napakainit ng tagpong yun para sa akin. Puno ng pagmamahal ang halik nyang yun. Gusto ng sumabog ng dibdib ko.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

Oo.

Yun lang ang tanging nasambit ko.

Anong oo?, tanong nya.

Oo. Yung ang sagot ko sa tanong mo. Matagal na rin kitang gusto RJ.

Yun lang at muling naglapat an gaming mga labi.

Itutuloy…